Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa South Luzon, Visayas

Habagat magpapaulan sa South Luzon, Visayas

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas ngayong Martes, Agosto 27.

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, MIMAROPA, Cavite, Batangas, at Antique ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.

Posible ang mga pagbaha at landslide sa serye ng malalakas na pag-ulan.

Ang Bicol Region, nalalabing bahagi ng CALABARZON at Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil din sa habagat.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC