Home LAGAY NG PANAHON Habagat makaaapekto pa rin sa western section ng Luzon

Habagat makaaapekto pa rin sa western section ng Luzon

MANILA, Philippines – Patuloy na makaaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon ang Southwest Monsoon (Habagat).

Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, at Bataan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.

Maulap na kalangitan na may isolated rainshowers and thunderstorm din ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil din sa habagat at localized thunderstorm.

Posible ang pagguho ng lupa at pagbaha sa oras ng malalakas na mga pag-ulan.

Matatandaan na halos dalawang linggo na ang nararanasang malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil pa rin sa paglakas ng habagat. RNT/JGC