Home NATIONWIDE Habagat, patuloy magpapa-ulan sa Luzon, ilang bahagi ng Visayas

Habagat, patuloy magpapa-ulan sa Luzon, ilang bahagi ng Visayas

1
0

MANILA, Philippines — Patuloy na magdadala ng ulan ang habagat sa malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas ngayong Linggo, habang nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Kiyapo, ayon sa PAGASA.

Makakaranas ang Pangasinan at Zambales ng paminsan-minsang pag-ulan na maaaring magdulot ng flash flood at landslide dahil sa katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.

Makaranas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, pati Aklan at Antique dahil pa rin sa habagat.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng localized thunderstorms.

Patuloy ring binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Kiyapo, na nasa 745 kilometro kanluran-hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes bandang alas-3 ng madaling araw.

Taglay nito ang lakas ng hanging 140 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 km/h, habang kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here