Home NATIONWIDE Hacker nag-sorry sa PH Navy cybersecurity breach

Hacker nag-sorry sa PH Navy cybersecurity breach

120
0

MANILA, Philippines- “Basta gumawa kayo ng masama, may mga ahensya na hahabulin kayo. Hindi kayo makakatakbo. Kahit gaano kayo katagal magtago, mahuhuli kayo,” pahayag ng founder ng BloodSec International (BSI) group of hackers na si Daniel Xavier Valdez nitong Huwebes, sa paghingi niya ng paumanhin sa Philippine Navy at Philippine Army.

“Humihingi po ako ng pasensya sa ating Philippine Navy at ating Philippine Army sa pag-deface at sa pag-test [ng kanilang system] without papers,” wika ni Valdez.

Sinabi ni Valdez na pinasok ng kanyang grupo ang Philippine Army website noong 2016.

Paglalahad niya, sinubukan nila ang kapabilidad ng sistema ng Navy ngayong taon. Subalit, inamin niyang ginawa niya ito nang walang permiso ng military officials.

“Noong 2023, kinontak ko ang aking isang miyembro na taga-Philippine Navy… Dito, napagusapan namin na siya pala ay nagdedevelop ng website nila.

“Binigyan niya ako ng link ng website na ito kung pwede ko i-testing. Ako naman, kampante kasi isa syang miyembro ko na matagal na rin. Tinest ko ang website na binigay niya at agad-agad kong na-access ang hidden directories,” pagbabahagi ni Valdez.

Paliwanag ni Valdez, ang hidden directories na nabuksan niya ay hidden files na maaari ring ma-access ng threat actors.

Tumutukoy ang threat actors sa hackers na naghihimasok sa sistema at nagbebenta ng datos.

Ani Valdez, iniulat niya ang kanyang findings sa kanyang Navy member upang ipagbigay-alam sa Navy.

“Gusto kong makatulong, binigay ko ang information kung pano i-fix, paano ayusing ang mga vulnerabilities, ano ang possible na magpapalakas ng mga security,” aniya, at iginiit na nagbago na siya at nais gumawa ng tama.

Nanindigan siya na hindi nagtatrabaho sa isang foreign entity o may balak na ibenta ang datos mula sa militar.

“Wala po akong intensyon na ibenta ang mga data kasi po ito ay data ng mamamayan natin. Dapat nating ma protektahan. Ito ay hindi dapat mapunta sa maling kamay. Kaya ko nireport ang mga vulnerabilities sa ating isang Philippine Navy personnel na isa kong miyembro dati,” pahayag ni Valdez. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here