MANILA, Philippines- Nasolo ng mananaya ang Super Lotto 6/49 jackpot nitong Huwebes, Hulyo 18, 2024.
Makatatanggap ang nagwagi ng tumataginting ng P157,395,155.60 para sa Super Lotto 6/49 matapos mahulaan ang tamang kombinasyon na 41-33-31-24-37-49.
Wala namang nakahula sa winning combination para sa Lotto 6/42 na 27-25-11-40-18-19 at may jackpot na P9,232,098.20.
Samantala, isang 6D Lotto bettor ang naging instant milyonaryo matapos piliin ang mga numerong 8-6-8-7-2-2 kung saan napanalunan niya ang halagang P1,135,985. RNT/SA