MANILA, Philippines- Sugatan ang isang gwardiya ng Department of Justice (DOJ) matapos itong kuyugin ng mga raliyista na nagtangkang pinturahan ng graffiti ang pader ng DOJ building.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang security guard na si Kevin matapos mapukpok sa ulo ng spray paint can ng isa sa mga raliyista.
Sa kwento ng gwardiya, nang sitahin niya dahil sa pag-vandal sa pader ng DOJ ay dinumog siya ng mga raliyista kung saan may mga sumuntok at pumalo sa kanya.
Tinangka ng mga raliyista na tumakas ngunit hinarang sila ng DOJ security at dinala sa Manila Police District Ermita Station ang mga nakasakit sa security guard.
Dinala naman sa pagamutan ang sugatang raliyista. Teresa Tavares