Home NATIONWIDE Haka-haka na maaaring makaapekto sa collision probe, tigilan na – DOTr

Haka-haka na maaaring makaapekto sa collision probe, tigilan na – DOTr

MANILA, Philippines- Nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista nitong Huwebes sa publiko na tigilan na ang mga haka-haka na maaaring makaapekto sa gumugulong na imbestigasyon sa maritime collision malapit sa Scarborough Shoal, kilala rin bilang Bajo de Masinloc, na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong Pilipinong mangingisda.

Sinabi ni Bautista na nakikiisa ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na huwag na itigil na ng publiko ang mga espekulasyon at hayaan ang Philippine Coast Guard (PCG) na tiyakin ang mga detalye na bumabalot sa Oct. 2 collision.

“The DOTr will closely coordinate with the PCG on the next steps following the investigation,” pahayag niya at sinabing hinihintay ng DOTr ang resulta ng imbestigasyon.

“As protocol, the PCG is collating the statements of the 11 fishers who survived during the collision as part of the investigation.”

Nitong Miyerkules, sinabi ng PCG na binangga ng Marshall Islands-flagged crude oil tanker ang bangka ng mga Pilipino na tinukoy bilang FFB Dearyn habang binabaybay nito ang bisinidad ng Bajo de Masinloc sa Zambales.

Nagresulta ang insidente sa pagkasawi ng tatlong mangingisdang Pilipino, kabilang ang boat captain.

Nakaligtas naman ang 11 tripulante at ginamit ang service boats upang makaalis sa lugar at maiuwi ang mga labi ng mga biktima sa Barangay Cato sa Infanta, Pangasinan. RNT/SA