Home NATIONWIDE License renewal ‘gang Nov. 6 na lang – LTO

License renewal ‘gang Nov. 6 na lang – LTO

MANILA, Philippines- Matapos pansamantalang maglabas ng driver’s licenses na inimprenta sa papel, sinabi ng Land Transportation Office (LTO) na mayroon na itong sapat na suplay ng plastic cards upang habulin ang backlogs ngayong Oktubre.

Inihayag ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza na kinakalos na ng ahensya ang nauna nitong utos na palawigin ang renewal period para sa mga lisensyang napaso noong April 1 hanggang 30, 2023.

“Binibigyan namin sila until Nov. 6 of this year para i-renew na nila yung kanilang lisensya. Meron na kaming sapat na driver’s license cards para mag-issue po sakanila,” pahayag no Mendoza sa isang press briefing nitong Huwebes.

Sa naunang extension, binigyan ng ahensya ang holders ng hanggang April 2024 upang mag-renew ng kanilang expired licenses.

Anang LTO, ang mga hindi makapagre-renes sa Nov. 6 o bago ang petsang ito ay mahaharap sa penalties.

Samantala, sinabi ni Mendoza na ang mag binigyan ng “paper licenses” matapos makapagbayad ay maaaring magtungo sa LTO branch kung saan sila nag-apply at palitan ang ito ng plastic card copy.

Dahil sa kakulangan sa plastic card supplies, naglabas ang mga awtoridad ng temporary licenses na nakaimprenta sa papel.

“Ginawa nating staggard, hindi natin sinabay sabay…Ayaw natin na bigla-bigla na lang na lahat ay pupunta sa ating district offices, chances are hahaba yung pila. We’d like to avoid na magkaroon ng long queues,” sabi ni Mendoza.

Inihayag din ng LTO na posibleng mahabol ng ahensya ang 2.4 milyong backlog sa pending licenses sa March 2024 at vehicle plates sa 2025. Santi Celario