Home NATIONWIDE Pagbawi ng permit sa peace rally sa Dumaguete, sinupalpal ni ex-PRRD

Pagbawi ng permit sa peace rally sa Dumaguete, sinupalpal ni ex-PRRD

MANILA, Philippines – Sinupalpal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi ng kanilang permit para makapagdaos ng peace rally sa Dumaguete City, Negros Oriental.

“Nakakagalit, nadaanan ko ‘yung Freedom Park, ‘yun sana ang gusto namin. Nagpunta kami rito, nanghingi kami ng permit, binigyan kami,” sinabi ni Duterte.

“But nu’ng araw na dumating kami, binawi ‘yung permit at sinarhan ‘yung Freedom Park.”

“Galing ito ng Malacañang, kasi sa Bustos, Bulacan, ganu’n din ang nangyari,” pagpapatuloy nito.

Ang pahayag ng dating Pangulo ay matapos na lagyan ng barikada ang Freedom Park sa Dumaguete City bago ang inaasahang simula ng event.

Ipinunto ni Duterte na dapat ay available sa publiko ang mga parke.

Sumagot naman ang pamahalaang panlalawigan ng Negros Oriental at sianbing ang hiling ni Duterte at ng team nito na magdaos ng prayer rally sa Freedom Park ay “short notice.”

“Unfortunately, the Provincial Government has already scheduled activities at the park beginning on May 6, in consonance with the Centennial celebration of the Capitol Building on May 17, 2024,” saad sa liham ng Negros Oriental government.

Dahil dito ay inabisuhan na lamang ng pamahalaang panlalawigan na magdaos ng rally si Duterte sa Quezon Park.

Wala pang tugon ang Malakanyang sa naging paratang ni Duterte laban sa kanila. RNT/JGC