Home METRO Halos 1.2M lumikas sa hagupit ni Uwan

Halos 1.2M lumikas sa hagupit ni Uwan

276
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng preemptive evacuation ang ilang lalawigan sa Luzon at mga kalapit na isla sa inaasahang pananalasa ng bagyong Uwan, na ang kabuuang bilang ng mga inilikas na pamilya ay umaabot sa 344,413, o 1,179,086 indibidwal.

Ang bilang ay naitala noong 4:16 p.m. Linggo, ayon kay Office of Civil Defense (OCD) deputy administrator for administration Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV sa isang online press briefing.

Ang mga evacuees ay nagmula sa Regions 1 (Ilocos), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), 4-A (Calabarzon), National Capital Region, Region 5 (Bicol), Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), at sa Negros Island Region.

Iniulat din ni Alejandro na ang Rehiyon 5 ay nakapagtala ng isang casualty na umano’y nauugnay sa bagyo, na nasa ilalim pa ng validation. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here