Home HOME BANNER STORY Halos 14K trabaho alok sa job fair para sa nawalan ng trabaho...

Halos 14K trabaho alok sa job fair para sa nawalan ng trabaho sa POGO ban

94
0

MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 14,000 local at overseas employment opportunities ang iaalok sa dalawang special job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho sa Philippine offshore gaming operators (POGOs) ban.

Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na ang 13,744 na bakanteng trabaho ay iaalok sa dalawang job fair venues sa Metro Manila, Ayala Malls Manila Bay sa Parañaque City at sa Ayala Malls Circuit sa Makati City,

Sa venue sa Parañaque City, may kabuuang 60 local employers ang nakatakdang lumahok na mag-aalok ng 8,162 trabaho.

Kasama sa mga oportunidad sa trabaho ang mga nasa industriya ng BPO, wholesale at retail, transport and logistics, construction, turismo, hospitality, at health and wellness.

Sa Makati City job fair, may kabuuang 44 local employers at apat na overseas recruitment firms ang mag-aalok ng 5,582 job slots.

Ang mga available na trabaho ay mga oportunidad sa trabaho sa ibang bansa para sa mga nurse, cleaners, butchers, tubero, bus driver, auto mechanic, fire truck electrician, welders, cruise ship jobs, at production operator.

Nauna rito, lumabas sa datos ng DOLE na ang mga apektadong POGO workers na nanganganib na mawalan ng trabaho ay nasa 79,735 na kinabibilangan ng mga Pilipino at dayuhang empleyado.

Nauna nang inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang DOLE na maghanap ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino, na mawawalan ng trabaho dahil sa pagbabawal sa mga POGO. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here