Home METRO Halos 500 pamilya inilikas sa matinding baha sa Iloilo

Halos 500 pamilya inilikas sa matinding baha sa Iloilo

MANILA, Philippines – Nasa 477 pamilya o halos isang libong indibidwal ang inilikas mula sa kani-kanilang mga tahanan at dinala sa mga evacuation center dahil sa matinding pagbaha dulot ng malakas na ulan sa Iloilo City.

Ang mga inilikas na residente ay mula sa 11 barangay na napuruhan, ayon kay Charles Vincent Samodio, team leader ng Emergency Operations Center (EOC) ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Ani Samodio, 16 sa mga binahang barangay ay sa Jaro district, 10 sa Mandurriao, anim sa City Proper, tig-lima sa Lapuz at La Paz, at tig-apat sa Molo at Arevalo Districts.

Karamihan sa mga binahang lugar ay dahil sa umapaw na tubig sa creek.

“We are closely monitoring Barangay Calubihan in Jaro because of the possible rise in the water level at the Dungon Creek,” sinabi ni Samodio.

Ang mga evacuees na binubuo ng 477 pamilya o 988 indibidwal ay kasalukuyang tumutuloy sa barangay hall, chapel o gym na ginawang evacuation center.

Ang malakas na pag-ulan na nararanasan sa probinsya ng Iloilo ay dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Betty. RNT/JGC

Previous articleP9.7M ayuda naibigay na sa mga apektado ng bagyong Betty – NDRRMC
Next articlePaggamit ng ‘super app’ ng gobyerno, makababawas sa korapsyon – PBBM