Home NATIONWIDE Halos 6K pasahero istranded sa mga pantalan sa hagupit ng #STSOpong

Halos 6K pasahero istranded sa mga pantalan sa hagupit ng #STSOpong

229
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 123 pantalan ang apektado ng masamang panahon dulot ng bagyong Opong sa bansa.

Dahil dito, nasa 5,845 na pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang stranded.

Hindi rin makatawid ng dagat ang 2,840 na rolling cargoes, 110 vessels at 53 motorbancas.

Habang 410 vessels at 116 motor bancas ang nasa ligtas na lugar habang nananalasa ang bagyo.

Kabilang sa mga pantalan na apektado ay mula National Capital Region, Southern Tagalog, Northern Luzon, North Western Luzon, Eastern Visayas, Bicol, northeastern Mindanao, at Southern Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here