Home NATIONWIDE Halos P100M lotto jackpots ‘di napanalunan!

Halos P100M lotto jackpots ‘di napanalunan!

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major lotto evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Abril 16.

Ayon sa PCSO, hindi nagawang matumbok ang Ultra Lotto 6/58 lucky numbers na 43-44-37-42-55-38 na may jackpot prize na P73,034,813.40.

Sa kabilang banda, para sa Super Lotto 6/49, wala ring nanalong numero sa draw na may winning combinations na 14-17-18-22-29-19. Mayroon itong jackpot prize na P17,125,898.

Sa Lotto 6/42, ang masuwerteng numero ay 31-35-18-26-34-41, para sa jackpot prize na P9,781,677.60.

Ang mga resulta ng digit na laro ay 2-5-9-9-2-9 para sa 6D, 4-4-0 para sa 3D Lotto, at 19-31 para sa 2D Lotto. RNT