Home NATIONWIDE Halos P15B investments inaprubahan ng PEZA mula Enero ‘gang Marso

Halos P15B investments inaprubahan ng PEZA mula Enero ‘gang Marso

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang kabuuang P14.95 billion ng investments mula sa 50 bago at expansion projects in the first quarter of 2024.

Ayon sa PEZA, mas mataas ito sa P12.54 billion na inaprubahang investments sa kaparehong panahon noong 2023.

Sinabi ng ahensya na 29 sa mga proyekto ay nasa export manufacturing, habang 13 ang nasa information technology-business process management (IT-BPM) sector.

Tatlo naman ang nasa logistics, tatlo sa mga pasilidad, habang dalawa ang nasa domestic market at ecozone development.

Inaasahang magdadala ng $616.59 million sa exports at lilikha ng 11,558 trabaho ang mga ito.

Karamihan sa mga investments ay ilalagay sa Quezon City, Taguig, Makati City, CALABARZON, Bataan, Pampanga, Cebu, Albay, at Cagayan De Oro.

Ang mga investments na ito ay mula sa Cayman Islands, Hong Kong, at Singapore.

Nauna nang sinabi ng ahensya na umaasa itong makakapag-apruba ng P250 bilyon ng investments ngayong taon. RNT/JGC

Previous article‘Abused wives’ ng AFP officers, pinadudulog ni Bato sa Senado: ‘Magsumbong kayo’
Next article2 lalaking tadtad ng bala natagpuan sa DRT