Home METRO 2 lalaking tadtad ng bala natagpuan sa DRT

2 lalaking tadtad ng bala natagpuan sa DRT

Bulacan – Dalawang patay na lalaking tadtad ng bala ang natagpuang nakasubsob sa gilid ng kalsada sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT).

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jayson Flores, 34, may live-in partner, driver at Robert Sabado, 29, binata, driver kapwa residente ng Sitio Proper, Brgy. Camachin.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ng DRT police, isang caretaker sa lugar ang nagreport sa kanila na may nakadiskubre ng dalawang patay bandang 7:00 ng umaga, nitong Marso 21.

Dahil dito, agad na tumungo ang mga pulis sa lugar hanggang sa tumambad sa kanila ang dalawang biktima na tadtad ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan.

Nakita rin ng mga pulis ang mga nagkalat na basyo mula sa hindi pa matukoy na baril at isang nakatumbang motorsiklo malapit sa mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at salarin sa naturang krimen. Dick Mirasol III

Previous articleHalos P15B investments inaprubahan ng PEZA mula Enero ‘gang Marso
Next article6 miyembro ng termite gang arestado sa Maynila