MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) ang halos P800 milyong halaga ng ilegal na droga noong Setyembre.
Inihayag ni PDEG chief Brig. Gen. Eleazar Matta nitong Martes na nasamsam ang mga drogang ito sa 57 anti-drug operations, binubuo ng 38 buy-busts, apat na search warrant operations, isang marijuana eradication operation, at 13 service warrants of arrest.
Aniya, nagresulta ang mga operasyong ito sa pagkakaaresto ng 77 drug personalities.
Binubuo ang mga ilegal na droga ng 116.9 kg. ng shabu, 2.5 grams ng kush (high-grade marijuana) 2 grams ng na may estimated street value na P799.3 milyon.
Pinuri ni Matta ang PDEG officers at dedikasyon nila sa pagsawata sa drug-related crimes sa buong bansa.
“With ongoing community support and collaboration among law enforcement agencies, the group is determined to refine its strategies and continue making substantial progress in the fight against illegal drugs,” giit ni Matta. RNT/SA