Home NATIONWIDE ‘Hanna’ bagyo na – PAGASA

‘Hanna’ bagyo na – PAGASA

MANILA, Philippines- Lumakas na si Hanna bilang isang bagyo nitong Biyernes ng umaga at patuloy na magpapalakas ng habagat rains, na pinalakas din ng dalawa pang sama ng panahon, ayon sa state weather bureau. 

Namataan si Hanna 785 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes kaninang alas-10 ng umaga na may maximum sustained winds na 120 kilometers malapit sa sentro at hanggang 150 kph gusts. 

Pinalakas ang habagat ni Hanna, Typhoon Saola (Goring), at severe tropical storm Kirogi, na mahreresulta sa occasional to monsoon rains sa western portion ng Luzon sa susunod na tatlong araw, ayon sa weather agency. 

Ngayong Biyernes, 100 to 200 millimeters (nearly 4 to 8 inches) ng ulan ang tatama sa Metro Manila, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro. Makararanas naman ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, at Batangas ng 50 to 100 mm (2 to 4 inches) ng ulan, base sa PAGASA. 

“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are expected especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards,” babala nito.

Idinagdag ng PAGASA na magdudulot din ang enhanced southwest monsoon ng gusty conditions sa Batanes, Ilocos Region, Cordilleras, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at sa northern portion ng Eastern Visayas. 

Inaasahang lalabas si Hanna ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Linggo ng umaga. RNT/SA