Home NATIONWIDE Harassment ng CCG sa PCG vessel kinumpirma ng security analyst

Harassment ng CCG sa PCG vessel kinumpirma ng security analyst

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng isang security analyst na anim na Chinese Coast Guard (CCG) at maritime militia vessels ang nang-harass at humarang sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel na BRP Malabrigo habang ito ay patungo sa Bajo de Masinloc noong nakaraang linggo.

“BRP Malabrigo near Scarborough Shoal, harassed constantly by #China Coast Guard & militia ships,” sabi ni security analyst Ray Powell sa X (dating Twitter).

“At Scarborough Shoal it was harassed by at least 2 #China Coast Guard & 4 militia ships, which repeatedly employed dangerous swarming & bow-crossing maneuvers over 21 hours starting after midnight 7 March,” sabi pa ng security analyst sa ibang post.

Dalawang beses na sinubukan ng sasakyang pandagat ng Pilipinas na maabot ang pinagtatalunang bahura ngunit napigilan ang mga pagsisikap nito ng mga mapanganib na maniobra ng CGC at Chinese maritime militia vessels.

Kamakailan, pinarangalan ng PCG ang 36 na tauhan ng Malabrigo para sa kanilang pagtatanggol sa mga karapatan ng bansa sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea.

Wala pang pahayag ang Chinese Embassy sa Maynila ukol dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP64M undocumented tobacco nasabat
Next articleHigit 153K dayuhan nakibahagi sa 2024 annual report ng BI