Home OPINION HARBATERONG OPISYAL NG MAYNILA

HARBATERONG OPISYAL NG MAYNILA

MARAMI na ang naiinis sa opisyal na ito ng Manila Police District na madalas mang-arbor ng huli ng kapwa niya pulis.
Ang opisyal na ito na naassign sa ibang region dahil sumama sa kanyang kinikilalang panginoon este amo ay nakabalik na sa MPD dahil daw sa malakas siya sa acting district director na si PCol Thomas Ibay.
Malaki raw ang pinagsamahan nila ni ADD Ibay hindi lang sa MPD maging sa region sa Visayas na kanilang pinanggalingan.
Kaya nga malakas ang loob ng opisyal na ito na padrinohan ang mga nagbebenta ng paputok hindi lang sa Binondo at Divisoria subalit maging sa buong Maynila.
Mukhang hindi alam ni acting DD Ibay ang ginagawa ng opisyal na ito. Knowing Ibay, hindi ito mahilig humawak ng opisyal na malasado.
Para sa kaalaman ni MPD acting director, nagtangkang manghuli ang mga taga Criminal Investigation and Detection Group- MPD pero ang sigaw ng vendors ng illegal  firecrackers ay ang pangalan ng opisyal na may juicy position sa MPD.
Noong maassign sa National Capital Region Police Office itong opisyal na ito na walang ginawa kundi magsipsip sa mga matataas na opisyal ng MPD ay ipinagyayabang  na mapapalitan kaagad ng boss niya na nasa Camp Crame si PMGen Jose Melencio Nartatez Jr.
Magandang mapaimbestigahan ni Col Ibay itong opisyal na ito bago pa siya sumalto lalo na sa Department of the Interior and Local Government na galit sa iligal na paputok.
Putok na putok kasi ang pangalan nitong opisyal na nagbibigay ng proteksyon sa nagbenta ng iligal na paputok noong bago ang Bagong Taon. Ano kaya ang kapalit?
Alangang laway lang ang bigay ng vendors? Eh kilalang malakas mambudol ang opisyal na ito.