MANILA, Philippines- Ibinunyag ng Department of Justice (DOJ) na dalawa hanggang tatlong passport ang hawak ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Ayon sa DOJ, posibleng ang mga nasabing passport ay may kaunting pagkakaiba sa mga impormasyon gaya ng gitna o pangalawang pangalan ni Roque.
Pinasisiyasat ng DOJ sa Department of Foreign Affairs kung bakit nagkaroon ng maraming passport si Roque.
Dagdag pa ng DOJ, maituturing na ilegal ang may dalawang passport habang patuloy pang kumakalap ng impormasyon sa pangatlong passport.
Iginiit naman ng DOJ na magiging pugante si Roque kapag hindi umuwi sa Pilipinas.
Una nang hiniling ng DOJ sa Angeles City Regional Trial Court na kanselahin ang pasaporte ni Roque. Teresa Tavares