Home NATIONWIDE Harry Roque nagpasaklolo sa CA sa pagkansela sa pasaporte, pagdeklarang pugante

Harry Roque nagpasaklolo sa CA sa pagkansela sa pasaporte, pagdeklarang pugante

99
0

MANILA, Philippines – Nagpasaklolo sa Court of Appeals (CA) si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque kaugnay sa pagkansela sa kanyang pasaporte at pagdeklara sa kanya bilang isang pugante.

Ayon sa kampo ni Roque, inihain ang Petition for Certiorari upang kwestyunin ang ruling ng Pasig City Regional Trial Court at itigil ang implementasyon nito.

Giit ng kampo ni Roque, walang legal na basehan at maituturing na paglabag sa kanyang karapatan ang pagkansela sa pasaporte nito.

Nagkaroon din aniya ng grave abuse of discretion ang Korte dahil sa paglabag sa kanyang karapatan sa ilalim ng due process, presumption of innocence at freedom to travel.

Dagdag pa, nabigo rin aniya ang Korte na kilalanin ang patuloy niyang paghiling ng asylum sa Europa na dapat sundin ng Pilipinas sa ilalim ng international law.

Nahaharap si Roque sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng sinanay na POGO hub sa Porac, Pampanga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here