Home NATIONWIDE Hatol ng korte sa Western Visayas vs terror financing ikinatuwa ng NTF-ELCAC

Hatol ng korte sa Western Visayas vs terror financing ikinatuwa ng NTF-ELCAC

Manila, Philippines- Ikinatuwa ng pamunuan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang makasaysayang hatol ng hukuman sa Western Visayas kung saan isang opisyal ng CPP-NPA-NDF ang napatunayang sangkot sa pangongotong upang mapondohan ang kanilang samahan.

Inilarawan ni Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., executive director ng NTF-ELCAC, na ang hatol ng korte ay isang napakahalagang tagumpay ng pamahalaan laban sa terorismo.

“Ito ay isang landmark conviction, na may matibay na mensahe na ang paglilikom ng pondo para sa terorismo ay walang puwang sa ating lipunan. Ito rin ay pagpapakita na lahat ng Filipino ay tinututukan ang lahat ng uri ng panggugulo sa kapayapaan at kasiguruhan ng bansa,” paliwanag ni Torres.

Nabatid na September 2, 2024, nang ibaba ng Regional Trial Court Branch 2 ng Kalibo, Aklan ang hatol nito laban kay Ian Arevallo y Inson, alias “Prince Egodas y Giganto,” “Mac-Mac,” at “Brince Gegodas y Gilbaliga,” na umaming kasapakat siya sa ‘terror financing scheme ng CPP-NDF-NPA.

Miyembro ng Komiteng Rehiyon Panay si Arevallo “taxation unit,” ang kanyang pinamumunuan para makapangikil ng pondo sa mga negosyante, contractors at mga politiko sa Panay Island at iba oang bahagi ng Western Visayas.

Nahuli si Arevalo sa isang entrapment operation sa Makato, Aklan. At habang nakakulong umamin siyang kasama sa pangloloko at pangingikil na gawain ng CPP-NPA-NDF.

“Ang hatol ay pagpapatunay sa isang matibay at patas nating justice system. Binabalaan nito na ang sinomang mapatunayang may kaugnayan sa mga &terrorist activities’ ay mananagoy sa batas,” dagdag pa ni Torres.

Pinuri rin ng opisyal ng NTF-ELCAC ang Police Regional Office 6 (PRO6) sa kanilang dedikasyong pabanan ang terorismo.

“The success of this operation, executed in partnership with the Special Task Group on Countering Communist Terrorist Group – Resource Generation and the Joint Focus Legal Action Team 6, alongside the National Prosecution Service, is a triumph not just for law enforcement, but for every Filipino committed to peace and security,” pagdidiin pa ni Torres.

“This legal victory strengthens our resolve to continue our campaign against all threats to peace and order. The NTF-ELCAC remains resolute in its mission to end the communist insurgency and ensure that justice prevails for all Filipinos,” dagdag pa niya.

Ang NTF-ELCAC aniya, ay patuloy na paiiralin at susuportahan ang ‘rule of law’ at pagbubuwag sa lahat ng uri ng gawaing terorismo sa bansa. RNT