Home NATIONWIDE Smokers lumipat na sa heated tobacco products

Smokers lumipat na sa heated tobacco products

ISANG pag-aaral ng mga mananaliksik sa South Korea ang nagpanukala na ang paglipat sa heated tobacco products ay makapagpapataas sa posibilidad ng ganap na paghinto sa paninigarilyo ng mga smoker o naninigarilyo.

Ang HTPs ay smoke-free products na dinisenyo para alisin ang kombustiyon sa ‘nicotine delivery.’

Sa kabilang dako, sinabi ng US Food and Drug Administration na ang usok ng tabako ay naglalaman ng libo-libong kemikal.

Sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto sa Korea Institute for Industrial Economics and Trade, natuklasan din ng mga ito na walang ebidensiya na susuporta sa mga alalahanin na ang HTPs ay nagsisilbi bilang ‘gateway’ sa paninigarilyo.

Sa pag-aaral, gamit ang Korea National Health and Nutrition Examination Survey, ipinakikita na 99.4% ng HTP users ay lumipat na mula sa traditional cigarettes o isang dual users, meron lang na 0.6% ng pagiging bagong naninigarilyo.

Ang ‘innovative technology’ ay nag-aalok ng alternatibo para sa adult smokers na maaaring magpatuloy sa paggamit ng conventional cigarettes.

Ang smoking-related diseases ang responsable para sa mahigit na 8 milyong namatay kada taon, binigyang diin ang pangangailangan para sa mas ligtas na ‘nicotine delivery methods.’

Winika ni Anton Israel, pangulo ng Nicotine Consumers Union of the Philippines, ipinakikita ng Korean study kung papaano ang teknolohiya ay maaaring mabawasan ang panganib na nauugnay sa pagkonsumo ng nikotina.

Sa traditional cigarettes, nasusunog ang tabako sa mataas na temperatura, nagpo-produce ng usok at abo na naglalaman ng nakalalason, Ang kaibahan, ang HTPs heat tobacco ay mababa ang combustion point, nagpapalabas ng nikotina na naglalaman ng vapor sa halip na usok.

Makikita sa pag-aaral na ang mga smoke-free products na naglalabas ng aerosols o vapors na may 9% ay mas kaunti ang harmful chemicals o nakapipinsalang kemikal kaysa sa usok na inilalabas ng traditional cigarettes.

Sinabi ni Israel na ang smoke-free products gaya ng HTPs, kasama ang vapes at oral nicotine pouches, pinahihintulutan ang mga naninigarilyo na bawasan nang husto ang kanilang exposure sa nakalalasong kemikal.

Sa Pilipinas, halos isang milyong dating naninigarlyo ang lumipat palayo mula sa paninigarilyo sa tulong ng smoke-free products.
Pinagtibay ng bansa ang batas para ayusin ang mga innovative products, tiyakin na mananatili ang mga itong ‘inaccessible’ sa mga menor de edad.

Sa naging pag-aaral ng Korean, nag-survey sa 4,514 adults, ipinagpapalagay din na ang mga kabataan ay mas malamang na magsimula ng paninigarilyo sa traditional cigarettes sa halip na HTPs.

Binigyang-diin pa rin sa pananaliksik na ang adult females, indibidwal na may mataas na antas ng edukasyon, mga bata, office workers, at iyong may tumataas na alalahanin sa kalusugan ay mas malamang na lumipat sa HTPs mula sa sa traditional cigarettes.

Ang Adult female o matanda na babae na may edad na 20 hanggang 39 ay mas nais na lumipat sa HTPs, anuman ang kita, habang ang mga lalaki naman na mahigit sa 40 ay mas malamang na i-adopt ang HTPs kung mayroon silang mas mataas na kita.

Simula nang ipakilala ang heated tobacco products sa Korea noong 2017, ang kanilang market share ay lumago, mula 2.2% ng kabuuang tobacco sales sa unang taon hanggang 12% sa first half ng 2021. RNT