Home ENTERTAINMENT Heart, nag-senti sa Paris!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Heart, nag-senti sa Paris!October 5, 2024 14:09 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Paris, France – It was a Parisian trip Heart Evangelista would never forget.Ang bilis kasing mag-shift ng emosyon ang global fashion icon particularly her last day in Paris.May kaugnayan ‘yon sa inatenan niyang Paris Fashion Week.Sa video na in-upload niya sa Instagram, happy pa ang mood ni Heart in the morning of her last day.Inaayusan siya ng kanyang glam team while she was doing her self-make up.Aniya: “Before I fly out, let’s make the most of my last day!”Hanggang sa kahuli-hulihang acrivity niya that included gracing the Louis Vuitton fashion show ay masaya ang disposisyon ni Heart.But her mood changed nang pagabi na.Hindi nga raw siya nakapag-concentrate sa kanyang dinner as anxiety got the better of her.“Uwing-uwi na ‘ko. Mainit na ang ulo ng asawa ko sa akin!” sey niya.But prior to that, nakuha pang magbigay ng kape at pastries ni Heart sa mga street fotogs at videographers scattered outside the event.Dumating ang gabi as her team and fans gathered together.Doon na tila nag-break down si Heart na umiyak nang walang patumangga.She sounded apologetic dahil sa kanyang mga pagkukulang, but all she wanted was to make everybody happy.Hindi na nagpaliwanag si Heart sa sinabi niyang pagkukulang.Moments before her flight out, back to her cheerful self si Heart na nakikipagtsikahan na sa kanyang mga kasama.Separation anxiety o sepanx: what else could it be? Ronnie Carrasco III