Home ENTERTAINMENT Heart, naka-isip ng paraan para magka-baby!

Heart, naka-isip ng paraan para magka-baby!

Manila, Philippines – Marami ang nalungkot nang mabalitaang nakunan muli ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Bagama’t muling na-heartbroken, hindi naman iyon dahilan para tumigil na ang mundo ng fashionista.

Sa kanyang IG, nag-post pa rin siya ng iba’t iba niyang ganap.

Pero lately, naging usap-usapan ang cryptic message niya sa IG tungkol sa pag-i-slow down.

Dahil sa post niyang ito, nagkaroon agad ng espekulasyon na lilimitahan na ni Heart ang kanyang pagrampa para matupad ang pangarap nitong magka-baby.

Aniya: “I shall take my time.

“Anyway, I know where I’m going. A day at a time. Good night.”

Ito naman ang naging reaksyon ng kibitzers sa kanyang makahulugang post sa isang portal.

“It’s not too late, dear. Dapat lang mag-slow down ka kung gusto mong magka-baby.”

“At 42, mahihirapan na siyang magka-baby.”

“Trust in God. Walang imposible. May mga kakilala akong malapit nang mag-50 pero nagka-baby pa.”

“So lilimitahan na niya ang pagrampa.”

“It’s a good decision kung gusto niya talagang makabuo.”

“Kung ako sa kanya, I’ll take a leave for a year. Hindi naman mawawala iyong opportunities sa kanya lalo pa’t may reputation at connection na siya.”

“Takot masingitan ni Pia. Char.”

“Awat na Ms. Heart. Marami ka nang pera at investments. Wala ka nang dapat patunayan pa. Mag-pokus ka muna sa paggawa ng baby.”

“Take your time. Iwasan ang stress kung talagang goal ninyong magka-baby ni Chiz.”

“Baka nabawasan ang ganap.”

“Siguro, naisip na rin niya na habang nagkakaedad ay lumiliit ang tsansa niyang magka-baby.” Archie Liao