Home NATIONWIDE Sigalot sa WPS posibleng talakayin ni PBBM sa Asia security summit sa...

Sigalot sa WPS posibleng talakayin ni PBBM sa Asia security summit sa Singapore

MANILA, Philippines- Hindi malayong banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘maritime dispute’ ng Pilipinas sa Tsina sa West Philippine Sea (WPS) sa napipintong Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Office of the Asian at Pacific Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malaki ang posibilidad na talakayin ni Pangulong Marcos ang alitan sa WPS sa kanyang keynote address sa 21st Edition of the International Institute For Strategic Studies’ (IISS) Shangri-La Dialogue sa May 31.

“I presume for all meetings and as well as the speech of the President, his keynote address, this issue will be touched but I do not wish to preempt the statements of the president,” ayon kay Mendiola-Rau.

Ang dayalogo ay dadaluhan ng multiple stakeholders sa defense field mula heads of governments, heads of states, at defense of ministers hanggang sa industry players.

Sinabi ni Mendiola-Rau na ang regional defense summit ay magsisilbi bilang platform para sa Pilipinas para magbigay sa stakeholders sa defense field ng “important source of accurate, objective information on international strategic issues important to the region.”

Inaasahan naman na dadalo ang mga kinatawan mula sa 40 bansa sa Shangri-La Dialogue ngayong taon.

“When you have a forum such as this, it gives a good platform for a country to actually expound and articulate its position on key issues. So, it will be an important platform for us to actually also convey our positions relative to what is happening within the region and what we are advocating for. So, it’s something that is useful not only for those who are attending but also for the country who’s actually participating in this international forum,” anito.

Si Pangulong Marcos ay nasa Singapore mula May 30 hanggang 31, kung saan inaasahan na makakapulong nito ang mga bagong lider ng bansa na si President Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister Lawrence Wong.

“We want to ensure that the relationship continues under the new administration in Singapore,” ayon kay Mendiola-Rau sabay sabing ngayong taon ay gugunitain ang 55 taon ng Philippines-Singapore diplomatic relations.

Magkakaroon din ang Pangulo ng sandaling pakikipagpulong sa dating prime minister at kasalukuyang senior minister na si Lee Hsien Loong sa sidelines ng Shangri-la Dialogue.

Bago pa ang working visit ng Pangulo sa Singapore, nakatakda muna itong bumiyahe sa susunod na linggo sa Brunei Darussalam para sa kanyang kauna-unahang state visit sa Sultanate.

“President Marcos will visit Brunei from May 28 to 29 upon the invitation of His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah,” ayon sa DFA.

Ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Brunei ayon kay Mendiola-Rau ay magmamarka sa 40 taong bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Brunei Darussalam, itinatag noong 1984.

“Our ties are multifaceted encompassing cooperation in defense and security, maritime, agriculture and trade, as well as people-to-people relations. The state visit is a signal of our vibrant relations as both countries conducted the joint commission for bilateral cooperation chaired by the DFA last year,” wika ni Mendiola-Rau.

“This state visit will provide an avenue for both leaders to take stock of the progress of our commitments and ongoing bilateral undertakings, and fine tune them accordingly,” dagdag niya.

“Aside from being part of the tradition of the ASEAN leaders visiting fellow ASEAN countries, this state visit is in line with the President’s commitment to continue exploring avenues for economic growth and job opportunities for Filipinos as the business forum aims to boost trade and investments in the country,” patuloy ng opisyal.

Inaasahan naman ng Pilipinas ang mga kasunduan na lalagdaan sa pagbisita ng Pangulo sa Brunei Darussalam.

“We are actually currently in the process of finalizing text for several MOUs. But I can inform you that the MOUs that we are working with the Brunei insight will include priority areas ranging from agriculture to food security, maritime cooperation, tourism,” paglalahad ni Mendiola-Rau. Kris Jose