Home NATIONWIDE Pagbabanta, pag-atake sa media tutukuyin ng task force, Comelec bilang election offenses

Pagbabanta, pag-atake sa media tutukuyin ng task force, Comelec bilang election offenses

MANILA, Philippines- Nakatakdang tintahan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at Commission on Elections (Comelec) ang isang kasunduan na tutukoy sa mga pagbabanta, harassment, physical attacks at iba pang uri ng karahasan laban sa mga miyembro ng mga mamamahayag sa panahon ng election period bilang “election offenses.”

Sinabi PTFoMS executive director Undersecretary Paul Gutierrez, inaasahan na ang dalawang ahensya ay pipirma sa memorandum of agreement (MOA) sa susunod na buwan bunsod na rin ng pagkilala ng mga ito sa pangangailangang ikasa ito.

“Moving forward, we can view this MOA as an initiative that would send a strong message to the public and the international community that the Philippines is committed to protecting press freedom and upholding democratic values and creating an informed citizenry,” ayon kay Gutierrez.

Tinuran ni Gutierrez na siya at si Comelec Chairman George Garcia ay kapwa pumayag sa bagay na ito sa isinagawang “brief but comprehensive” meeting sa opisina ng poll body sa Maynila noong May 23.

“I am glad that Chairman Garcia is fully supportive of the desire of President Ferdinand Marcos Jr. to create a safe environment for the country’s press, especially with the 2025 midterm election just around the corner,” ayon kay Gutierrez.

“Himself a former broadcast journalist, Chairman Garcia is keenly aware of the threats that our journalists face especially during the elections when tensions are high. I am pleased to note of the good chairman’s offer to exercise the power of the Comelec to warn candidates, political parties and their supporters that any attempt to stifle the country’s press from performing its mandate during the election period would be dealt with swiftly and decisively,” dagdag na wika nito.

Hiniling din ng PTFoMS sa Comelec na maging bahagi ng media safety summits, inorganisa na ng una sa buong bansa para sa proteksyon ng karapatan ng mga mamamahayag.

Samantala, nangako naman ang PTFoMS na lilikha ng database ng lahat ng election-related incidents na kinasasangkutan ng media workers habang ang magkabilang panig ay gagawa ng reporting mechanism na gagamitin ng Comelec para tugunan ang mga insidente.

Samantala, nananatili namang “dangerous place” ang Pilipinas para sa mga mamamahayag, pumwesto sa ika-134 mula sa 180 bansa sa pinakabagong Word Press Freedom Index ng Paris-based Reporters Without Borders (RSF).

Bumaba ang bansa ng ‘two notches’ sa ranggo mula sa ika-132 noong 2023. Kris Jose