Home NATIONWIDE Pagpapalaya sa ‘oldest political prisoner’ ng Pinas panawagan ng CHR

Pagpapalaya sa ‘oldest political prisoner’ ng Pinas panawagan ng CHR

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na palayain ang “oldest political prisoner” ng Pilipinas na si Gerardo Dela Peña.

Si Dela Peña ay 85 taong gulang at isang isang Martial Law survivor.

Sinabi ng CHR na bumabagsak na ang kalusugan ni Dela Peña dahil sa paghina ng kanyang paningin at pandinig matapos na mamalagi sa kulungan ng 12 taon.

“The Commission calls for the immediate release of Dela Peña. As a State signatory to the Basic Principles on the Use of Restorative Justice Programmes in Criminal Matters, the Philippine government should put primacy to efforts which ensure a humane correctional system in the country,” ayon sa kalatas ng CHR.

“This discussion also includes the need to take into consideration the elderly and sickly PDLs who are imprisoned in congested spaces, where their conditions may worsen,” dagdag ng komisyon.

Si Dela Peña ay inaresto sa Vinzons, Camarines Norte noong Marso 21, 2013 at nahatulang makulong sa edad na74.

Nito lamang Abril 23, ang mga miyembro ng Kapatid ay nagpunta sa Malakanyang para umapela para sa agarang pagpapalabas kay Dela Peña matapos na magsilbi sa kulungan ng mahigit isang dekada.

“The Board of Pardons and Parole’s Resolution No. OT-08-02-2023 provides that detainees who are at least 70 years old and have served at least 10 years of their sentences must be released. The resolution also takes into consideration those who suffer from terminal illness or serious disability,” ayon sa ulat.

Tinukoy din ng CHR ang United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners, o ang Mandela Rules na nagsasaad na ang mga bilanggo ay dapat protektado mula sa anumang kalupitan o degrading treatment.

“The CHR remains firm in its stance that putting PDLs in situations which further aggravate their condition, especially those which directly affect their well-being, is a form of cruel and inhumane treatment,” giit ng CHR.

“We take this opportunity to call for the release of PDLs who have demonstrated good behavior and have met the legal standards for executive clemency as this would greatly help towards the government’s ongoing jail decongestion efforts,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, hinikayat naman ng Komisyon ang Kongreso na magpasa ng isang batas na magtatatag ng National Preventive Mechanism upag bigyang-daan ang “Philippine government to reflect its commitment towards ensuring the welfare of PDLs across the country through well-grounded policies.” Kris Jose