Home ENTERTAINMENT Heart, winelkam si Marian; Fans, natuwa!

Heart, winelkam si Marian; Fans, natuwa!

Manila, Philippines – Si Marian Rivera na mismo ang nagsasabi na worth it daw ‘yung limang taong pamamahinga niya sa TV via her comeback project on GMA.

After all daw, ang hinabol ni Marian ay ang mapanood ito ng kanyang mga anak.

Right project daw na sumakto pa sa taste nina Zia at Ziggy ang My Guardian Alien.

Not to be snubbed ay ang award-winning director nitong si Zig Dulay who helmed MMFF’s biggest winner last year, ang Firefly.

No less than Heart Evangelista posted her pa-welcome on social media para kay Marian.

Post ni Heart: “So happy that after many years, you’re back on GMA Primetime!”

What’s even more touching, in-acknowledge ni Heart si Marian bilang Primetime Queen ng Kapuso network.

Now, isn’t that enough to make Marian’s fans happy?

Ayon nga sa isang post bilang reaksyon, time heals all wounds.

Hindi na nakapagtataka if Heart will get exactly the same warm support from Marian kapag siya naman ang magbabalik-TV.

Heart was last seen on GMA in 2021 via I Left My Heart in Sorsogon.

Balitang may pini-pitch daw si Heart na concept para sa kanyang TV comeback, herself as the creative mind behind it.

With all the fashion weeks happening around where Heart is busy with, kelan naman kaya ‘yon? Ronnie Carrasco III

Previous article9 patay sa karahasan sa Ecuador
Next articlePolice car, kotse nagsalpukan sa Maynila