ECUADOR – Siyam ang nasawi sa pag-atake ng gunmen sa grupo ng mga tao sa coastal city ng Ecuador na Guayaquil.
Sampo iba pa ang sugatan sa panibagong karahasan sa nasabing bansa.
Ang pag-atake ay nangyari alas-7 ng gabi nitong Sabado, Marso 30. Ayon sa pulisya, pumasok ang armadong grupo sa pedestrian street kung saan nagsasanay ng sports ang grupo ng mga tao.
Lumabas sa sasakyan ang gunmen at pinaputukan ang mga ito.
“So far, the result is nine people dead and 10 injured,” pahayag ni police Col. Ramiro Arequipa.
Wala pang grupong umaako sa pag-atake.
Ito ang ikalawang insidente ng mass killing sa nakalipas na mga araw.
Noong Biyernes, lima katao naman ang dinukot at pinatay sa coastal province ng Manabi na armadong grupo rin ang sangkot.
Ayon sa pulisya, may mga senyales na turista ang mga biktima na naipit lamang sa local drug-trafficking dispute.
Sa nasabing insidente, umabot na sa kabuuang 11 katao ang dinukot ng naturang armed group. Anim katao, lima rito ay menor de edad, ay nasagip na ng pulisya. RNT/JGC