Home NATIONWIDE Heat index sa ilang bayan sa Iloilo pumalo sa 44 degrees Celsius

Heat index sa ilang bayan sa Iloilo pumalo sa 44 degrees Celsius

126
0

MANILA, Philippines – Nakaranas ng mataas na heat index levels ang ilang bayan sa Iloilo kung saan ang ilan ay umabot pa sa hanggang 44 degrees Celsius.

Sa datos ng PAGASA, ang mga bayan ng Santa Barbara, San Miguel, Pavia, Cabatuan, Barotac Nuevo, Pototan, at Dumangas ay nasa ilalim ng “extreme caution” category sa heat index na mula 33°C hanggang 44°C.

Posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang mga residente at ang mga nakababad sa initan ay posible namang makaranas ng heat stroke.

Sa ipinakitang provincial monitoring graphics ay makikita ang malawak na “extreme caution” conditions sa Iloilo.

Dahil dito ay hinimok ng mga awtoridad ang publiko na uminom ng tubig, iwasan ang direktang exposure na direct sunlight, at limitahan ang mga aktibidad sa labas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here