Home NATIONWIDE Helicopter na sinasakyan ng Iran President bumulusok sa kabundukan!

Helicopter na sinasakyan ng Iran President bumulusok sa kabundukan!

DUBAI- Bumagsak ang helicopter na sinasakyan ni Iranian President Ebrahim Raisi at kanyang foreign minister nitong Linggo habang tumatawid ito sa kabundukan sa gitna ng hamog habang pauwi mula sa pagbisita sa border sa Azerbaijan, ayon sa Iranian official.

Base sa opisyal, ang mga buhay nina Raisi at Foreign Minister Hossein Amirabdollahian ay “at risk following the helicopter crash.”

“We are still hopeful but information coming from the crash site is very concerning,” wika ng opisyal na humiling na huwag siyang pangalanan.

Hamon sa rescue efforts ang masamang panahon, base sa ulat ng state news agency IRNA.

Inihalal ang 63-anyos bilang presidente sa noong 2021, at mula nang maupo sa pwesto ay ipinag-utos ang paghihigpit sa  morality laws, na tinugunan ng madugong anti-government protests at isinulong ang nuclear talks nito sa world powers.

Sinabi ni Interior Minister Ahmed Vahidi sa state TV na tanging isa sa helicopters sa grupo ng tatlo ang malakas ang pagbagsak, at naghihintay pa ang mga awtordad ang karagdagang detalye.

Nagtungo si Raisi sa Azerbaijani border para sa inagurasyon ng Qiz-Qalaisi Dam, isang joint project. RNT/SA