Home OPINION BASURA KAHIT SAAN

BASURA KAHIT SAAN

PAANO kaya magkaroon ng tamang disiplina sa basura ang mga tao, lalo na sa Metro Manila?

‘Yun bang === paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok.

Ito’y para ma-recycle ang lahat.

‘Yung mga nabubulok, pupwedeng gawing fertilizer at iba pa.

Pwede ring gawing panambak para tumaas ang mababang lupa at balang araw maging lupa na mismo.

‘Yung mga hindi nabubulok, magagagawa muli tulad ng dati o maging kombinasyon ng dalawa o higit pang bagaya.

‘Yang mga plastic at bakal, halimbawa, pwedeng gawing plastic pa rin at ‘yung mga bakal, pwedeng gawing bakal pa rin.

Pwedeng magdugtong ang mga plastic at bakal gaya nakikita sa maraming bagay gaya ng kutsilyong bakal na may plastic na hawakan o pulo.

Ang mga hindi kasali rito o kasali man pero hindi na pupwedeng ire-cycle ang pupwedeng itapon sa basurahan o dumpsite.

Hindi madaling mapuno ang dumpsite kung gagana ang waste recycling.

Pinakamagandang gawin ang waste segregation mismo sa mga tahanan, opisina o lugar ng gawaan.

At maging sistematiko rin ang paghahakot ng basura ng mga trak ng basura.

Sa bisa ng buong sistema rito, hindi magiging problema ang pagkalat ng basura kahit saan na laging problema tuwing tag-ulan at tagbaha.

PROBLEMANG MALAKI

Habang pinag-uusapan natin ang waste segregation at tamang pagtatapon ng basura, nandiyan naman ang napakalaking problema.

‘Yun bang === kawalan ng disiplina rito.

Kung pumunta kayo sa mga barangay, mga Bro, akalain mong kailangan pang magtayo ng Metro Manila Development Authority o Department of Public Works and Highways ng matataas na bakod sa gilid ng mga estero, ilog o kanal para hindi makapagtapon ng basura rito ang mga tao.

Anak ng tokwa, ‘yang paghahagis ng basura sa mga estero, ilog, kanal at iba pang daluyan ng tubig ang isang malaking dahilan kung bakit nagbabara ang mga ito at dahilan ng pagbabaw ng mga ito na dahilan na rin ng pag-apaw ng tubig at pupunta sa mga kabahayan.

Kitang-kita ang mga basura kung puntahan mo ang mga tulay na roon bumabara ang mga basura at plastic.

At ang napakasama, ang mga basura ang nahihigop ng mga pumping station sa halip na tubig.

Akalain mo, may mga plywood at foam ng kama na kasali sa mga na nahihigop ng mga pumping station.

Pero marami talaga ang mga bagay na balot ng mga plastic o plastik mismo na nahihigop ng mga makina.

Kaya sa rami ng mga basurang nahihigop ng mga pumping station, nasisira ang mga ito at tumitigil nang matagal dahil i-repair pa ang mga ito.

At andyan na ang mga bahang katakot-takot kapag umuulan at bumabagyo.

Kapag sinabayan pa ng high tide, andiyan na ang ilang oras na trapik at nasisirang mga sasakyan at nauubusan ng gasolina o diesel.

Sabi ng iba, kagustuhan daw ng Diyos ang baha habang ang gobyerno ang sinisisi at minumura ng iba.