Home ENTERTAINMENT Hello, Love, Goodbye 2, sa Canada kukunan!

Hello, Love, Goodbye 2, sa Canada kukunan!

Manila, Philippines – Mainit na pinag-uusapan ngayon ang plano ng Star Cinema na magkaroon ng reunion ang tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richard (KathDen). Matatandaang unang nagtambal sina Kathryn at Alden noong taong 2019 sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” sa Star Cinema at naging blockbuster ito na umabot sa halos P1-B pesos ang kinita nationwide.

Ayon sa tsika, balak ding isali sa 50th Metro Manila Film Festival ang reunion film ng KathDen kaya planong maumpisahan ang project sa August, 2024.

Same cast at same director ang ilalagay, si Cathy Garcia-Molina.

Sinigurado din ni Alden na masusundan ang movie nila ni Kathryn dahil sa clamor ng mga fans.

Kung sa Hongkong kinunan ang Hello, Love, Goodbye, ang sequel ng kanilang movie ay iso-shoot sa Canada.

Matatandaang sa huling eksena ng Hello, Love, Goodbye, ipinakita si Joy (karakter na ginampanan ni Kathryn) na nasa airport dahil pupunta siya sa Canada para tuparin ang pangarap niyang magamit ang kanyang pinag-aralan bilang nurse.

Kaya naman ise-segue ito sa kanilang sequel film kaya ang shooting sa Canada ng KathDen ang nagbigay ng ideya sa kanilang mga tagahanga na sequel ng blockbuster movie ang sunod nilang proyekto at sa Canada na ang kanilang location. Ador Saluta