Home METRO Herbosa nakipagpulong sa QC LGU sa pertussis outbreak

Herbosa nakipagpulong sa QC LGU sa pertussis outbreak

MANILA, Philippines- Tinalakay ng Department of Health (DOH) at ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon ang mga paraan upang tugunan ang pertussis outbreak sa lungsod.

Aminado si QC Mayor Joy Belmonte may mga hindi nabakunahang bata sa ilang lugar sa lungsod.

Sa kanilang pagpupulong, binigyan-diin ni DOH Secretary Tedoro Herbosa ang kahalagahan ng onset ng Pertussis.

Inirekomenda rin ni Herbosa na ang mga bata ay ma-quarantine sa bahay upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Tiniyak ng DOH sa QC-LGU na nagsasagawa ang ahensya ng angkop na mga hakbang upang labanan ang pertussis at patuloy na mag-aalok ng tulong na kailangan ng LGU.

Alinsunod sa 8-point Action Agenda ng kagawaran, partikular na ang “Pag-iwas sa sakit,” patuloy din ang panawagan ng DOH para sa suporta ng publiko sa pagsisikap ng gobyerno sa pagbabakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden