Home ENTERTAINMENT Herlene, dumidistansya sa mga artista!

Herlene, dumidistansya sa mga artista!

Manila, Philippines- Walang kaprete-pretensyon sa katawan si Herlene Budol.

This girl sure knows her strengths and weaknesses.

Hindi siya ‘yung tipong feeling may alam, at fully aware siya sa tingin sa kanya ng tao.

Masakit mang pakinggan, “bobo” at mahina ang ulo ang impresyon sa kanya lalo na ng mga kasamahang artista.

Mismong si Herlene na lang daw ang dumidistansya sa mga ito.

Pero may ilan ding co-stars niya ang gusto niyang makisalamuha, hoping to learn from them.

Mas sa sirkulong ito raw nagga-gravitate si Herlene.

Katwiran niya, okey lang daw makaranas ng panlalait as she learns from her mistakes.

In fairness, Herlene seems to be getting along well with her co-actors in her series Binibining Marikit.

Tanggap daw ng mga ito ang “kakulangan” ng binansagang Hipon Girl.

Eh, ‘di wow! Ronnie Carrasco III