TAGUIG, Philippines – Sa mahusay na intelligence gathering at maagap na coordination sa PDEA, nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station ang isang babaeng High-Value Individual (HVI) sa buy-bust operation sa Barangay Lower Bicutan nitong July 1, 2025.
Ang suspek na kinilalang alias “Arlene”, ay nadakip dakong 11:40 am sa kanyang tahanan sa Purok 5, Barangay Lower Bicutan. Taguig City ng mga operatiba ng SDEU sa supervision ni Taguig CPS Officer-in-Charge PCOL Byron F. Allatog.
SA pagsasagawa ng buy bust operation, nasamsam ng mga police operative ang isang heat-sealed transparent plastic sachet at isang knot-tied plastic bag, na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu, na pinagsamang timbang na 111.2 gramo at tinatayang may Standard Drug Price (SDP) na ₱756,160.00.
Nabawi rin ang marked ₱500 peso bill na buy-bust money, itim na eco bag, at 12 piraso ng boodle money na ₱1,000 denominations.
Ang nakumpiskang illegal drugs ay dinala sa SPD Forensic Unit para sa laboratory examination habang inihahanda ang isasampang kaso ng violation of Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165, mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa Taguig City Prosecutor’s Office. (DBM)