Manila, Philippines- Sunshine Cruz binubugbog ni Atong Ang, kaya nakipaghiwalay!
Ito ang pinakabuod ng mga balitang kumakalat ngayon sa social media.
Pero pakana lang pala ito ng mga kuwestyonableng vlog at website–in short: fake news!
Pinalalabas ng mga nagkakalat ng pekeng balita na kaya raw hiniwalayan ng 44 anyos na aktres ang negosyanteng nobyo ay nakakaranas daw siya ng pisikal na pang-aabuso.
To prove that this is all misinformation, ni-repost ni Sunshine ang mga balita sa kanyang social media account.
Sunshine also shared some tips on how to detect false news.
“Be vigilant, family and friends!” caption ng actress-mom of three.
May mga netizens namang nang-uurot kay Sunshine to take legal measures against those responsible for the fake news.
At dahil nga laganap ang fake news sa social media, kailangang maging mapanuri ang mga netizens.
Sa ngalan nga naman ng views which translate to money ay may ilang nag-iimebnto na lang ng mga balita!