Home NATIONWIDE Higit 1.4K armas nasamsam sa military ops sa Central Mindanao

Higit 1.4K armas nasamsam sa military ops sa Central Mindanao

286
0

MANILA, Philippines – Nasa 1,421 iba’t ibang high-powered firearms ang nasamsam sa pinalakas na operasyon ng militar sa Central Mindanao.

Ipinresenta ni Maj. Gen. Donald Gumiran, commander ng Army 6th Infantry Division (6ID), ang mga armas sa ika-38 founding anniversary ng unit nitong Biyernes.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Army chief Lt. Gen. Antonio Nafarrete, Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., at Bangsamoro interim Chief Minister Abdulraof Macacua.

Sakop ng 6ID ang mga probinsya ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Sultan Kudarat, Sarangani, South Cotabato, Cotabato at Bangsamoro region Special Geographic Area.

Sinabi naman ni Lt. Col. Ronald Suscano, 6ID spokesperson, na ang mga armas ay narekober mula 2024 hanggang sa kasalukuyan kung saan ang ilan dito ay isinuko ng mga sibilyan ngunit marami ang nakuha mula sa mga operasyon.

Ang pinakahuli ay ang raid noong Oktubre 20 laban sa Islamic State-linked militants sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong terorista. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here