Home NATIONWIDE Higit 1,100 traffic violations naitala sa pagbabalik ng NCAP

Higit 1,100 traffic violations naitala sa pagbabalik ng NCAP

168
0

MANILA, Philippines- May kabuuang 1,112 traffic violations ang na-monitor sa unang araw ng pagbabalik ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) nitong Lunes, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes.

Sa update, sinabi ng MMDA na mas mababa ang kabuuang bilang ng traffic violations nitong Lunes kumpara sa mahigit 3,000 naitala sa parehong petsa nitong nakaraang taon noong suspendido pa ang NCAP dahil sa isang temporary restraining order (TRO).

“The entire day up to 12 midnight ang naitala namin is 1,112,” pahayag ni MMDA Traffic Enforcement Group director Atty. Vic Nuñez sa isang panayam.

“This is relatively low as compared to May 19, Monday. Ang naitala ho namin diyan noong wala pang NCAP, lahat ng na-record naming violation is 3,900 plus,” dagdag niya.

Binanggit ni Nuñez ang karaniwang violations na nahuhuli sa NCAP tulad ng pagbalewala sa traffic signs, ilegal na pagdaan sa EDSA busway maging sa motorcycle lane, at pagbalewala sa loading at unloading areas.

Ang NCAP ay polisiyang gumagamit ng closed-circuit television, digital cameras at/o iba pang gadgets o teknolohiya upang makakuha ng videos at mga larawan upang hulihin ang mga sasakyang lumalabag sa traffic laws, sa halip na traffic enforcers ang gumawa nito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here