Home ENTERTAINMENT Nora, binigyan ng tribute sa pelikulang Faney!

Nora, binigyan ng tribute sa pelikulang Faney!

236
0
Screenshot

Manila, Philippines – Isang tribute para sa National Artist For Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor ang pelikulang ‘Faney’ (The Fan).

Ipinapakita sa pelikula ang buhay ng mga tagahanga ng nag-iisang Superstar, lalo na si Laurice Guillen bilang Milagros o Lola Bona, na labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang idolo.

Sumasalamin kay Lola Bona kung anong klaseng fan ang mga nagmamahal kay Ate Guy. Na sa kabila ng pakikipaglaban sa sakit (dahil bago pa lang siyang sumailalim sa angioplasty) ay determinadong magbigay ng kanyang huling paggalang kay Nora at pumila sa burol ni Ms. Nora kahit tutol ang kanyang anak.

Makikita rin sa pelikula ang mga karanasan ng maraming tapat na tagahanga na nakidalamhati para parangalan ang Superstar.

Bahagi at mapapanood sa pelikula ang mga Noranians sa totoong buhay.

Pahayag ng direktor at writer nitong si Adolf Alix Jr., “Sa shoot namin, a couple participated. We needed help to recreate the wake. We are thankful game sila kasi more than anything it is their story.”

Mapapanood sa pelikula ang malalim na koneksiyon ni Ms. Nora sa kanyang mga tagahanga at tiyak na marami ang makaka-relate sa mga eksena rito, specially iyong matindi ang paghanga sa kanilang mga idolo.

Dito’y makikita na handa silang makipag-away sa ibang fans bilang pagtatanggol ng mga Noranian sa kanilang idolong superstar.

Patunay kung paano talaga sinasamba ng kanyang avid fans ang nag-iisang Nora Aunor.

Bukod kay direk Laurice, tampok din sa pelikula sina Gina Alajar, Althea Ablan, Bembol Rocco, Perla Bautista, Ian de Leon as himself, Angeli Bayani, ang boy group na Bilib, Bianca Tan, at Roderick Paulate na as usual ay agaw-eksena sa kanyang husay.

Kahit wala na si Ms. Nora, buhay na buhay pa rin ang kanyang alaala sa pa-tribute sa kanya sa pamamagitan ng pelikulang Faney.

Sa ginanap na advance screening ng Faney sa mismong 72nd birthday ni ate Guy, present ang dalawang anak niyang sina Ian at Kenneth.

Nagpasalamat sila sa lahat ng nagmamahal sa kanilang ina.

Dinagsa ng Noranians ang nasabing screening ng Faney kaya nag-decide ang producers nito na magdagdag pa ng isang sinehan para ma-accomodate ang lahat ng mga tagahangang nagmamahal kay Ms. Nora.

Ang pelikula ay hatid ng Frontrow International nina RS Francisco at Sam Verzosa, Intele Builders ni Ms. Cecille Bravo, Noble Wolf, at AQ Films ni Atty Aldwin Alegre. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here