Home HOME BANNER STORY P1B ‘bato’ buking sa abandonadong bahay

P1B ‘bato’ buking sa abandonadong bahay

103
0

ANGELES CITY- Tinatayang aabot sa P1 bilyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang search warrant operation sa isang abandonadong bahay, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, sinalakay nila ang isang abandonadong bahay sa Orchid Street, Timog Hills Subdivision, Barangay Pampang, nitong Linggo.

Dito, bumungad sa kanilang harapan ang hinihinalang shabu na nakalagay sa 155 transparent plastic bags na may bigat na halos isang kilo bawat isa.

Sinabi ni Nerez, ang bahay ay matagal nang abandonado at ang pangunahing target ng search warrant ay isang Chinese national na kasalukuyang pinaghahanap pa rin.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dagdag pa ni Nerez, konektado ang nasabing operasyon sa buy-bust operation na isinagawa ng PDEA mahigit dalawang linggo na ang nakararaan sa parehong lungsod, kung saan mahigit 35 kilo ng shabu ang nakumpiska at na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek na isang Chinese national at Pilipina.

“The two drug operations mentioned are linked to each other. What you see is the outcome of persistent tracking of previous operations targeting individuals connected to syndicated drug trafficking to include their sources,” pahayag ni Nerez.

Katuwang ng PDEA sa operasyon ang Armed Forces Counterintelligence Group, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at ang Philippine National Police (PNP). Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here