MANILA, Philippines- Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang kabuuang 11,254 foreign nationals na sangkot sa POGO operations sa bansa.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na sa 33,863 empleyado ng POGO sa ilalim ng PAGCOR, 24,779 ang nag-downgrade ng kanilang visa.
Nabatid sa BI na may kabuuang 22,609 ang umalis ng bansa bago ang deadline nitong nagdaang Disyembre 31.
Sinabi ni Viado na ipinatatapon nila ang mga hindi nag-downgrade at umalis ng bansa bago ang deadline, gayundin ang mga nag-downgrade ngunit nabigo pa ring umalis.
Ayon pa kay Viado, obligado rin ang mga kompanya na isuko ang kanilang mga POGO worker na nananatili sa bansa, at nagbabala na kung tatangkain nilang itago ang nasabing mga manggagawa, maaari silang kasuhan ng BI dahil sa pagkukulong sa mga ilegal na dayuhan.
“I have ordered our intelligence division to initiate the search for those at large,” ani Viado.
“They are considered illegal aliens now. Expect an intensified manhunt against these illegal aliens. The order of the President is clear. No more POGO in the Philippines. Foreign nationals who continue to disobey this will be arrested, deported, and blacklisted. No exceptions,” babala pa ni Viado. JR Reyes