MANILA, Philippines – Nasagip ang mahigit 150 dayuhan sa isinagawang raid sa illegal Philippine offshore gaming operation (POGO) sa isang resort sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Sabado, Agosto 31.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Director Winston Casio, sangkot ang POGO sa umano’y scamming activities at ikinukulong pa ang kanilang mga manggagawa.
Ani Casio, mayroong nasagip na mahigit 150 indibidwal na pawang mga Indonesians, Chinese, at Myanmarese.
Ang illegal POGO ay nag-ooperate sa loob ng isang resort sa Barangay Agus.
“It’s 100% illegal POGO. Illegal po ito kasi walang POGO na may lisensya dito sa Cebu Province,” sinabi pa ni Casio.
“Lahat ng nakita natin dito ay enough evidence to be able to file seven crime offenses dito.” RNT/JGC