MANILA, Philippines- Mahigit 1,500 baril ang nakumpiska ng mga awtoridad sa election gun ban, ayon sa Philippine National Police.
Sa panayam nitong Linggo ng umaga, sinabi ni Police Brigadier General Jean Fajardo, PNP Spokesperson, na may kabuuang 1,563 baril ang nasamsam sa buong bansa hanggang noong March 7 ng law enforcement agencies bilang bahagi ng gun ban na pinairal para sa 2025 national and local elections.
“Tuloy-tuloy ang ginagawa nating pagpapatupad ng gun ban,” pahayag ni Fajardo.
Batay sa ulat mula sa National Election Monitoring Action Center (NEMAC), sinabi ni Fajardo na mayroong 24 hinihinalang election-related incidents habang 11 ang validated election-related incidents.
Sa 11 validated incidents, siyam ang itinuturing na marahas kabilang ang mga insidente ng pamamaril at pananaksak. Ang dalawang non-violent incidents naman sa Region 6 ay kinabibilangan ng malicious mischief at grave threats.
Mayroon ding 11 kumpirmadong non-election incidents na may kaugnayan sa dalawang umiiral na beripikasyon subalit maituturing na posibleng election-related incidents, base sa NEMAC.
Para sa possible areas of concern, hinihintay pa ng PNP ang official announcement mula sa Commission on Elections.
“Last week, nagkaroon ng joint meeting ang task force… Inilabas natin doon ang initial 2nd list ng mga recommended election areas of concern. Isusumite ito para magsawa ng validation,” anang PNP official. RNT/SA