Home METRO Higit 170 sasakyan binatak, hinuli sa MMDA clearing ops

Higit 170 sasakyan binatak, hinuli sa MMDA clearing ops

MANILA, Philippines – Hinuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes, Nobyembre 30, ang 166 na sasakyan at hinatak ang anim na iba pa dahil sa illegal parking bilang bahagi ng pagsugpo ng ahensya laban sa mga sagabal sa “Mabuhay Lanes” sa National Capital Region (NCR).

Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Assistant General Manager for Operations, Assistant Secretary David Angelo Vargas, na 108 miyembro ng strike force ang bahagi ng operasyon upang matiyak ang walang harang na daloy ng trapiko sa mga alternatibong rutang ito.

“To ensure that all roads covered by Mabuhay Lanes are passable, we are advising other motorists to avoid parking on sidewalks and roads so we can avoid traffic congestion and keep all roadways free from obstruction, as this serves as an alternate route for EDSA (Epifanio de los Santos Avenue),” ani Vargas.

Pinagmumulta ng P1,000 ang mga may sasakyang iligal na nakaparada, habang P2,000 naman ang sa illegally parked unattended vehicles.

Ang mga miyembro ng strike force na ito, aniya, ay nilagyan ng mga body camera at mga handheld ticketing device para mag-isyu ng mga traffic violation ticket.

Idinagdag niya na ang mga nahuli ay maaaring magbayad kaagad ng kanilang mga tiket gamit ang ticketing system.

Ang mga operasyon ng araw ay pinangangasiwaan nina Vargas, MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Victor Nuñez at officer-in-charge Gabriel Go.

Nauna rito, sinabi ni MMDA acting chair Romando Artes na ang bagong strike force ay magpapalaki sa dalawang unit ng ahensya na nagsasagawa ng araw-araw na clearing operations. Santi Celario