Home METRO Posibleng lokasyon ng nawawalang eroplano natukoy na

Posibleng lokasyon ng nawawalang eroplano natukoy na

PALANAN,ISABELA-Nagsasagawa na sa ngayon ng search and rescue ang mga otoridad matapos na matukoy ang nawawalang eroplano patungong Palanan, Isabela kahapon.

Inihayag ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Palanan, Isabela na si Ginoong Glenn Cabaldo, na huling natawagan ang piloto ng nawawalang Cyclone PA32 with Tail No. RP-C 1234 sa pagitan ng bayan ng San Mariano at Palanan.

Ayon kay MDDRMO Cabaldo, bandang alas 9:39 kahapon ng umaga nang mag take-off sa Cauayan City Airport ang aircraft at inaasahan sanang makakalapag sa Palanan Airport ng alas 10:10 ng umaga subalit hindi na ito nakalapag.

Huling natawagan ang piloto ng eroplano na si Capt. Levy N. Abul II bandang 9:50 kaninang umaga sa boundary ng San Mariano at Palanan.

Sakay nito ang isang pasahero na taga Divilacan, Isabela.

Kaugnay nito, nagsagawa na ng virtual meeting ang Office of the Civil Defense Region 2 kasama PDRRMO Isabela, MDRRMO Palanan at iba pang concerned agencies para sa pagsasagawa ng ground search sa mga lugar na posibleng kinaroroonan ng nawawalang aircraft.

Samantala, nitong nakalipas na buwan ng taon din kasalukuyan mayroon bumagsak na eroplano na halos ilan buwan din bago natukoy ang pinagbagsakan ng eroplano na ikinasawi ng ilan katao. Rey Velasco

Previous articleHigit 170 sasakyan binatak, hinuli sa MMDA clearing ops
Next articleSMNI nasa gitna ng banta ng franchise revocation – Roque