Home NATIONWIDE Higit 17K overseas Filipino nagparehistro na sa pre-voting enrollment system

Higit 17K overseas Filipino nagparehistro na sa pre-voting enrollment system

MANILA, Philippines – Higit 17,000 overseas Filipino ang nakapagrehistro na sa pre-voting enrollment system para sa 2025 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec)

Ipinakita sa datos ng Comelec na kabuuang 17,323 individuals ang nag-enroll para sa online voting and counting system (OVCS) Hanggang Martes, Abril 1,2025.

Nagsimula ang enrollment noong Marso 20 at tatakbo hanggang Mayo 7, 2025.

Maaaring gawin ng mga botante ang pre-voting enrollment sa pamamagitan ng kanilang sariling internet-capable device, voting kiosk sa Philippine Posts, o ang field/mobile pre-voting enrollment na naka-iskedyul ng Philippine Post.

Dapat sundin ng mga botante ang sumusunod sa pagpapatala bago ang pagboto:

Mag-sign up gamit ang opisyal na link para sa pre-voting enrollment na ibinigay ng Comelec;

Sundin ang mga tagubilin na nakasaad dito; at

Sa sandaling matagumpay ang pagpapatala bago ang pagboto, ang botante sa ibang bansa ay maaaring bumoto online sa panahon ng 30-araw na panahon ng Overseas Voting.

Ang mga botante sa ibang bansa ay maaaring bumoto online gamit ang mga electronic device tulad ng mga mobile phone at laptop simula Abril 13 hanggang Mayo 12, araw ng halalan sa Pilipinas.

Nauna rito, hinimok ni Comelec Chairman George Garcia ang 1.2 milyong Filipino overseas voters na mag-pre-enroll, at sinabing tatanggapin na ng OVCS ang lahat ng government-issued identification (ID) card kabilang ang mga pasaporte, seamnas book, lisensya sa pagmamaneho, at mga national ID.

Nanawagan din si Garcia sa mga lokal na botante na paalalahanan ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa na mag-pre-enroll, at sinabing ang mga rehistradong botante ay hindi papayagang bumoto sa paparating na botohan kung hindi rehistrado.

Ayon sa Comelec, mayroong 69.6 milyon ang rehistradong botante para sa botohan sa Mayo, at sa bilang na iyon, 68.4 milyon ang nasa bansa habang 1.2 milyon ang mga botante sa ibang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden