MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pormal na panunumpa nitong Lunes ni Rear Admiral Mitzel Silva-Campo bilang ang unang babae na umabot sa ranggo ng two-star general sa PCG.
Si Silva-Campo ay nangungunang nagtapos ng Coast Guard Officers Course Clss-1 Charlie ‘Makagitaw’ ay ang kauna-unahang babaeng one-star general sa mga Coast Guard general line officers noong Oktubre 2021.
Bago ang kanyang appointment , nagsilbi rin siyang unang babaeng Inspector General -Internal Affairs Service, Coast Guard Adjutant, Commander ng Coats Guard Doctrine, Development at Research Command.
Nagtapos siya ng Juris Doctor degree sa Cor Jesu College sa Digos City at nakuha ang kanyang Master of Science sa Maritime Affairs na dalubhasa sa Maritime Law and Plicy mula sa World Maritime University sa Malmo Sweden noong 2009.
Sumali rin si Silva-Campo sa mga internasyonal na programa sa pagsasanay sa Yokohama, Japan at sa Australia. Jocelyn Tabangcura-Domenden